Everyday Chores

Weekend na naman. Usually, my weekend is really not of the ordinary. Hindi rin kasi ordinary ang status ko for now. (i’ll probably blog it later on). Anyway, my weekends are generally spent with my Honey and with my kids. Friday night I usually go to my Honey’s ‘condo’ and make up for lost time (naks! a rather fashionably understatement!) until most of the weekened, and then with my kids for some bonding time. Though everyday I am the one who prep up my eldest for school. As in waking her up (which by the way takes up a lot of our time), cooking her breakfast, preparing her baon and everything she needs for school, letting her take her bath (which again takes up a lot of time) (by the way my daughter is only six years old and Prep pa lang kaya as in todo assist sa pagpasok nya), dress her up and then wait for manong service. Generally ok lang lahat yan gawin early in the morning kahit na I arrive at usually 10 or 11 pm at night. As in ano ba magagawa ko eh anak ko yan!

Pinakanakakatuwang gawain namin mag-ama in the morning is pag mag-aayos na ng buhok nya. Syempre girlie ang anak ko and ako naman ay isang macho at matipunong ama (walang kokontra! blog ko to!). So nakakawindang na aayusan ko ng buhok ang aking anak dahil ano ba naman ang alam ko sa pag ayos ng buhok. Ang alam ko lang sa buhok ay lagyan ng gel at suklayin pababa at pataas. So lagi kami nag-aaway ng anak ko lalo na pag may gusto syang ayos sa buhok nya! (Hayaan mo anak! kukuha ako ng course sa hair and make up para hindi tayo mahirapan!).

After that sabay hatid na sa kanya pag pumotpot na si manong service. Then depende na lang kung inaantok pa ko, either maglilinis/maglalaba/magpaplantsa/maglilinis ng labas ng bahay or matutulog ulit ako. Pag nagising naman ang aking anak na lalaki mula sa kanyang hibernation, another set of pagiging yaya naman (less of course ng school preparation kasi di pa sya nag-aaral). Then at 9am off to work na.

Pag weekends yan naman ang aking bonding time with my Honey. Syempre Friday morning palang my imagination is running berserk na! Yehey! Popoy time 🙂 ! Just kidding honey! Syempre yan ung time namin to share whatever transpired during the week. Kung may konting away eh dyan nareresolve fully yan. (syempre eh di walang alam mo na pag may war!). And during weekends din nagkakaroon ng pyesta sa condo nya. We make it a point to prepare special menu during weekends. Special as in whatever yung trip namin i-prepare or whatever we have talked about within the week. And of course with my Honey commanding the kitchen, always masarap ang pagkain namin for our bonding time.

Come Sunday afternoon or evening, I head back to my kids and spend some mall time with them. Since kaka-open lang ng SM near our place, it became easier for us to walk to the mall and either play videogames or mag stroll or kumain. Addict pa naman sa videogames pareho tong tsikiting ko kaya to the max ang laruan pag magkakasama na kami.

Most importantly, I am able to spend quality time with the people that really means a lot to me. My kids and my Honey. It is quite difficult to balance and make time for each of them but at the end of the day, I could always say that each day with them is a day well spent.

Advertisements

3 Comments

  1. S3lv0 said,

    November 26, 2007 at 7:26 pm

    hi there… hmm weekends are my favforite part of the week hehehe yung lang time ko magpagulonggulong sa sofa sa harap ng tv or mag pakapal ng kalyo sa daliri sa harap ng pc.

    BTW welcome po hope u enjoy blogging

    Thanks poh! A welcome from a seasoned blogger definitely is flattering…

  2. koreanmine said,

    November 26, 2007 at 7:43 pm

    ay senxa na po. di po sa nangengelams, di ko lng na gets bat ikaw ang gumagawa ng amang-yayo stuffs 😀 pero hats off aq sau ha. bihira yan 😀

    mahabang kwento po pero i would blog it one at a time…salamat po sa pagbisita..:-)

  3. MARU said,

    November 26, 2007 at 9:58 pm

    oist! alam ba ni Honey mo ang blog mo na ‘to? hahaha!

    Getting a comment from Ms. Maru is simply indescribable…:-)


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: