Whatta Day!….

To start with, I was not able to sleep well the night before. Pabaling-baling ako sa kama. Nandung nakahiga, nakatagilid, nakatuwad, nakaupo at kung ano-ano pang posisyon pero di talaga ako dalawin ni pareng Antok. Alam ko there’s something amiss kaya di ako makatulog. Hindi naman ako maka-text sa Honey ko wala kasi akong load. Then finally after counting countless sheeps at kambing, nakatulog na rin ako….

5:00AM. Toink! Nagwawala na ang alarm ng celphone ko. Gising na. Baka ma-late ang anakis ko sa pagpasok. Ginigising ko sya habang ako nakapikit pa..galing di ba?! To cut the story short, we were able to prepare for school without so much kulitan at inisan. And for a change, I was able to do something different naman sa hair nya. Improving na!

I was able to text my Honey in the morning. May sakit ang Honey ko. Hindi raw sya makakapasok. So very worried ako. Im planning to drop by sa condo nya pagtapos ng work. Though hindi ko muna sinabi sa kanya. Hindi ko pa rin kasi sure sched ko for the day.

8:30AM. Gising naman ng bunso ko. Breakfast. Then sugod sa barber shop para sa haircut ko. Akay-akay ko pa ang kiddo ko na medyo inaantok-antok pa.  We both enjoy going to the barbershop lalo na pag sya ang magpapa-haircut and part ito ng bonding ritual namin mag-aama. And for one, kailangan papogi para sa interview tomorrow. I got this call last night on my way home para sa isang job interview somewhere in Ortigas so kailangan medyo paghandaan. 🙂 During the gupitan session, bigla lumabas ang aking anakis so medyo panic kasi maraming sasakyan sa labas. Gusto lang pala mag wiwi ng aking anakis kaya lumabas. Binata na! Sanay na tumayo sa pader at magwiwi!

On the way to the office, I thought ok na kasi may nagdaan agad na FX Ayala sa harap ng subdivision. Medyo makakatipid ng P10 sa pamasahe. Yehey!…Toink! Bagito ung driver kaya ang bagal mag drive. Waaah! Sabay ang init pa. Parang heater ang nasa loob. Medyo mabait pa ako kaya malumanay pa pagkakasabi ko: “Bossing, pa-lakas naman ng aircon..” Nilakasan nga. Kaso lalo uminit. Kainis!

More than an hour, dumating din kami ng Makati. Medyo maaga pa kaya petiks muna. Check ng emails. Aba! Marami from wordpress. Moderate blah-blah daw. Hindi ko naman alam yun kaya I thought baka may censored ako na nailagay sa previous entries ko. When I opened it, medyo paunti-unti bumubuka ang mga labi ko para ngumiti…may comments ang blog ko! Yehey! Coming from S3lvO, Maru and Koreanmine. Sila po ang naka first time sa kin 🙂 And Im flattered, proud, speechless, ecstatic, <Thesaurus needed>, etc. (Maraming salamat po sa pag welcome! 🙂 )

Then bigla lumindol. Nyaha!

Quake hits Manila

An earthquake hit Metro Manila at 12:30 p.m. Tuesday.A radio dzMM report said Malacañang employees evacuated the second and third floors of the palace after the quake struck.

The Philippine Institute for Volcanology and Seismology said it has yet to gather information about the quake.

Nyaha talaga! Galing ng salubong sa first comments ko. Earth-shattering experience!

Text agad sister ko  “Ok ka ba dyan lakas ng lindol dito”. Hello!! Pareho kaya tayo nasa Makati! Or at least malapit ka na sa Makati! Anyway, hintay na lang tayo ng updates from news bureaus para sa latest earthquake na to. Sana lang walang damages whatsoever. Filipinos do not need more calamities than they already had for the past weeks.

And to think tanghali pa lang yan. What’s in store pa kaya the whole day? Let’s see…Work muna tayo!!

Advertisements

1 Comment

  1. MARU said,

    November 27, 2007 at 7:27 pm

    nakow! baka ma-adik ka sa blogging ha? pag dumami na mga friends mo dito…ay talaga naman nakakahumaling. btw, join ka sa WordPress Pinoys para naman makilala ka at mas dumami pa ang mga makilala mo. here’s the URL: http://www.wordpress-pinoys.com.

    mag register ka rin sa forum at may new members section din dun.pakilala ka lang at madami mag we-welkam sau dun. keep blogging, bro.

    Thanks for the info ms maru…i will try in the coming days… 🙂


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: