Eto na naman ako…

Wow! May blog pa pala ako! After friendster, facebook, twitter at iba pa, nandito pa pala ang blog na ito. Nakatago na ito sa baul ng memorya ko kaya daantaon (weh!) na ang lumipas nang huli ko itong masulyapan, pagpagan ng alikabok at muling sariwain ang mga alaala ng kabaliwan at katinuan.

So, heto ulit. Subok ulit tayo na maghimay ng mga pangyayari sa ating buhay, sa araw-araw at gabi-gabi. Susubok akong muli na magtahi ng nilalaman ng aking magulong isip at pawindang-windang na takbo na buhay.

Ayoko na magbura ng mga naunang naisulat sa mga pahinang ito. Maaring magdulot ng kalituhan sa mga makabasa at makakilala sa akin. Huwag po! Inyo na lamang pong pansinin ang mga petsa at inyo nang maitutugma na ang mga pangyayari sa mga pahinang ito ay halaw sa iba’t ibang panahon ng aking paglalakad.

Isa sa malaking pagbabago ay pinalitan na ni Sweety si Honey. Past. Ex. Had been. My past. Yan na si Honey. Si Sweety ang present. Ang current. Ang source of inspiration. Ang muse of my literary mind. Ang future. Im just saying this para hindi magkaroon ng kalituhan sa mga susunod na pagbabalangkas ng mga kwento at istorya sa mga susunod na araw at panahon. (WEH!)

Anyway, sabi ko nga sige subukan ko ulit! subok lang ha!…

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: