First time…

Sablay!!!…yan ang first time ko! galing di ba?

I was about to start making this entry. Todo┬áisip sa pag compose ng isang sensible na entry tapos mawawala lang pala. Nag-uumapaw kasi ang talino ko sa computer. Pag pindot ng ‘Look here!’ nawala ang composition ko. Galing mo talaga!

Anyways, this is my first blog entry. Today is November 23, 2007. Friday afternoon at my workstation. Binabayaran ako ng company habang ginagawa ko ang first blog ko! Talk about being compensated while blogging di ba?!

Questions: 1) Tama ba tong ginagawa ko? 2) Kaya ko bang panindigan to? 3) Ano kaya ulam namin ni Honey mamaya? (ay mali! di pala kasama sa questions yun!) 3) Ano kaya resulta nito? 4) Maging famous kaya ako dito? 5) Kelan kaya ang first libel case ko? 6) Gay nga ba si Piolo? (question yan ha! pero di pa rin sya kasama sa mga questions ko!) 6) How many indescretions kaya mai-post ko dito?….

Well, sabi nga ng isang ordinaryong mamamayan tulad ko: Bahala na si Batman! basta uumpisahan ko ito at walang pipigil sa kin! Nyaha!

Advertisements